Ayun, the title tells it all. BATI NA KAME! :) I’m so happy that day, finally for almost 2 cold months, nag-usap na kami! Hayyy. Although alam kong di na pwede yung dating sweetness, masaya na rin ako. But who knows diba? Baka in the future madevelop ulet! Hehe. Pero siyempre, I should not expect. Okay na muna ‘to. We should move on and remain best friends ulit. Sobrang na-miss ko siya! Nung mga times na hindi kami nagkikita or nag-uusap, hinde ako sanay, kasi dati lagi siyang nasa tabi ko. Tska grabe, parang the whole world was in my back! Ang bigat-bigat sa loob! Nawala nga sa direksyon yung buhay ko nung mga times na yun. Haha.
Anyway, I’ll just tell you what happened kung paano kami nagkabati. It happened just this Tuesday (20 January), Vi Sun and I decided to go to school early kasi midterms namin sa SaD at kelangan naming mag-aral. I arrived 30 mins. early, supposed to be kasi 7:30AM kami magkikita pero 7AM nasa Manila na ako. Naglalakad na ako papasok ng Intramuros, papunta nang Letran when Karlo (my classmate) called me from the nearby 711 (katabi lang ng Letran yun). Nakatambay sila dun kasama yung iba naming friends and classmates. So, siyempre, I joined them. After maybe, 10 mins. or so, si Jerald sumigaw, sabi nia, “Kevin!”. Edi siyempre, lumapit siya. As for me, nandun lang ako, hawak-hawak yung cell phone ko even though I’m not texting, because that time was so awkward tska di ko alam yung gagawin ko.Then, biglang may nagtext and it was from him. Sabi niya, “Pansinin mo naman ako”. And I replied, “Ikaw muna yung mamansin”, and his response was, “Nahihiya ako ee”. Hinde na ako nagreply, tska I really don’t know what to say na ee. Buti na lang, biglang nag-aya na si Jerald na umakyat sa room nila, mga 7:20AM na kasi nun, ee 7:30AM yung first class nila. Tumayo na sina Jerald and Paolo, tas kami na lang dalawa yung natirang nakaupo, tapos, tumingin ako sa kanya, sabi ko, “Ang arte mo!”. His expression was really weird, sobrang makikita mo sa face niya na nahihiya nga siya. Grabe, ang cute-cute niya nun. Hehe. So ayun, nag-usap na nga kami, alam mo naman ang attitude ko, madali akong makalimot. Hehe. So, ayun, pumasok na kami ng Letran, hinatid niya muna ako sa friends ko dun sa may garden, and then he kissed my left cheek and he said, “I love you”. I was really, really happy that time. Finally, bati na ulet kami! I missed him so much, kahit na 2 months lang yun, it felt like years! Hehe.